Ikinakasa na ng PNP Civil Aviation Group ang mga kasong illegal posession of explosive and deadly weapon na isasampa sa pasaherong kinilalang si Cipriano de Guzman.
Naaresto si de Guzman sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 makaraang mahulihan ito ng granada at kutsilyo na nakalagay sa kaniyang backpack.
Ayon kay Col. Ricardo Layug, pinuno ng PNP Civil Aviation Group – NCR, sinasabing naka-check in na si de Guzman sa China Airlines nang muli itong lumabas ng terminal para tumungo sa palikuran.
Hinala ng mga otoridad, iniabot kay de Guzman ang mga nasabat na gamit na inilagay sa backpack nang madiskubre itong pagbalik.
Sa ngayon, sinabi ni Layug na inaalam pa rin nila ngayon kung sinu-sino ang posibleng kasabwat ni de Guzman sa pagtatago ng mga ipinagbabawal na kagamitan.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)