Ikinakasa na ang kaso laban sa suspek sa pagpatay sa babaeng Grab driver sa Cainta, Rizal.
Natunton ng Cainta Police ang suspek na si Paolo Largado sa pamamagitan ng CCTV sa condo unit kung saan natagpuan ang labi ng biktimang si Maria Cristina Palanca.
Natagpuan na rin ng pulisya kung saan isinanla ni Largado ang sasakyan ni Palanca sa Lucena, Quezon.
Ayon kay Police Colonel Alvin Consolacion, sinabi ni Largado kilala niya si Palanca dahil pareho silang konektado sa illegal drug trade.
Aksidente umano ang pagkakapatay niya sa biktima dahil inakala nyang babarilin sya nito.
Mariin namang itinanggi ng pamilya Palanca ang mga pahayag ni Largado.
Nakatakdang ihatid si Palanca sa kanyang huling hantungan bukas.