Ibinasura na ang kasong administratibo laban sa sampung Vietnamese fishermen na nahuling nangingisda sa Dalupiri Island sa Calayan Group of Islands sa Calayan, Cagayan noong June 1.
Ito ay matapos magbayad na ang mga dayuhan ng multang nagkahahalaga ng 600,000 piso.
Ayon kay Atty. Arsenio Bañares ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Cagayan Valley, ang “compromise fine” ay bilang settlement sa kanilang kinahaharap na kasong administratibo.
Nadakip ang mga dayuhan matapos makita ng mga otoridad ang kanilang dalawang fishing vessels sa naturang isla kung saan tinatayang umabot sa 80,000 pisong halaga ng mga isda ang kanilang nahuli.