Inihahanda na ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP – IAS) ang kasong administratibo laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay PNP – IAS Inspector General Alfegar Triambulo, malinaw sa paunang imbestigasyon na may mga pagkakamaling nagawa ang mga pulis nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkamatay ni Kian Loyd.
Sinabi ni Triambulo na inamin rin ng dalawa sa tatlong pulis na si Kian ang nakita sa CCTV na kinakaladkad nila sa isang eskinita.
Ngayong Miyerkules, inaasahang isusumite ng PNP – IAS kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pauna nilang rekomendasyon.
Samantala, sinabi ni Triambulo na patuloy ang pagkalap nila ng iba pang ebidensya habang hinihintay ang report ng SOCO o Scene of the Crime Operatives upang maikumpara sa mga testimonya.
By Len Aguirre