Inihayag ni Police Major Edwin Villarba ng Oriental Mindoro- Gloria Municipal Police Station na sasampahan ng kasong attempted robbery si Police Corporal Leonell Maranan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Villalba na ito ay dahil sa pagtangkang pagpasok ni maranan sa isang hardware sa kanilang bayan noong February 18.
Sa ngayon, sa pag-iimbestiga po ng ating mga imbestigador na pumunta doon sa pinangyarihan ng krimen , ito po si Police Corporal Maranan ay nagtangkang pumasok po sa isang harware po sa aming bayan at sa katunayan po ay nakita po siyang ng ibang barangay tanod at ng ibang siblyan na sya nga po ay nagtangkang pumasok at nanira ng door knob nga
Batay sa malalimang imbestigasyon, di umano’y nalulong si Maranan sa sabong o talpakan kung saan umabot sa halos isang milyon ang utang nito.
Bago gawin yung nasabing krimen na yun ay may naniningil na sa kanya ng 90K kaya medyo natutuliro na itoat hindi na alam ang gagawin kung saan kukuha ng pera na pambayad po sa mga utang niya , kaya nga ito ang naisip niya itong paraan unti-unting mabayaran ang utang niya na kulang kulang isang milyong piso.
– sa panulat ni Airiam Sancho