Ibinasura ng Court of Appeals (CA) 6th Division ang kasong contempt na isinampa ni dismissed Makati City Mayor Junjun Binay laban kina dating DILG Secretary Mar Roxas, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating justice Secretary Leila de Lima at iba pa.
Nakasaad sa 48-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Jose Reyes na kaya nila ibinasura ang petisyon ni Binay dahil sa kawalan ng merito.
Kinatigan din ng Appellate Court ang pasya ng Office of the Ombudsman na sibakin si Binay bilang alkalde ng Makati.
Si Binay kasama ang 15 iba pa ay sinuspinde ng Ombudsman dahil sa corruption charges may kaugnayan sa umano’y overpriced na Makati City Hall Building Two.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)