Tuloy pa din ang kasong estafa laban kay Chris Brown, kahit ito ay nakaalis na ng bansa.
Ipinaliwanag ni Immigration Commissioner Sigfreid Mison, na kanilang ibinigay ang Emigration Clearance Certificate (ECC) ni Brown, dahil bukod sa may basbas na ito ng prosecutor, nakabinbin pa din naman ang kaso laban dito.
Una nang pinigilan si Brown na makaalis ng bansa matapos ang kanyang concert, dahil sa look out order ng Department of Justice (DOJ), dahil sa reklamong, isinampa dahil sa hindi nito pagsipot sa New Year’s concert sa Philippine Arena.
Emigration Clearance Certificate ni Chris Brown
Samantala, mananatili naman sa Immigration detention facility si John Michael “Pio” Roda, ang promoter ni Chris Brown.
Ayon kay Immigration Commissioner Sigfreid Mison, ito ay para sa kanyang kinakaharap na deportation case, kaugnay sa ilegal na pagta-trabaho sa bansa.
Sinabi ni Mison na maaari naman makapag-piyansa si Roda, para pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kanyang deportation case.
Mayroon din aniyang option si Roda na maghain ng voluntary deportation, kung saan siya ay papaalisin sa bansa, subalit hindi na muling makakabalik pa dito, dahil siya ay ilalagay na sa Immigration blacklist.
By Katrina Valle | Report and Photos Courtesy of: Raoul Esperas (Patrol 45)
Related article: Chris Brown, nakalabas na ng bansa