Pinagpapasya na ng Ombudsman ang Sandiganbayan sa kasong graft na kinakaharap ni dating First Lady Imelda Marcos.
Ang nasabing kaso ay nag ugat sa pagkakaruon umano ng financial interests sa ilang Swiss Foundation nuong Martial Law tulad ng Vibur Foundation, Maler Establishment at Trinidad Foundation.
Binigyang diin ng Ombudsman nsa isinumite nilang memorandum sa Sandiganbayan 5th Division na guilty beyond reasonable doubt si ginang Marcos base na rin sa mga documentary exhibits at terstimonya ng mga testigong nai prisinta sa loob ng 26 na taon nang kaso.
Batay sa case information na isinampa noong 1991 ang dating unang ginang ay kinasuhan ng sampung bilang ng graft dahil sa interest at -partisipasyon sa ilang non government organizations sa Switzerland mula 1978 hanggang 1984.
SMW: RPE