Hahawakan na ng Second Division ng Sandiganbayan ang panibagong kasong graft na isinampa laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes.
May kaugnayan ito sa maling paggamit ng pondo ni Reyes mula sa Malampaya Power Plant Facilty noong siya pa ang gobernador ng lalawigan.
Nairaffle na sa anti-graft court ang graft case ni Reyes gayundin ang kasong palcification of public documents.
Isa rin si Reyes sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa environmentalist at mamamahayag na si Dr. Gerry Ortega noong 2011.
By Jaymark Dagala |With Report from Jill Resontoc