Pinawalang sala ng Korte Suprema ang ilang kilalang cronies ni dating pangulong Ferdinand Marcos kabilang si dating senador Juan Ponce Enrile sa kasong graft o katiwalian.
Kaugnay ito ng umano’y mahigit 100 milyong pisong behest loans na ibinigay ng PNB o Philippine National Bank sa isang sugar milling company noong 1968.
Batay sa desisyon ni Associate Justice Jose Reyes Jr ng second dvision ng Supreme Court, ibinasura ang kaso matapos mabigo ang PCGG o Presidential Commission on Good Government na maghain ng matibay na ebidensiya laban sa mga akusado sa kaso.
Maliban kay Enrile, abswelto rin sa kaso sina Roberto Benedicto, Antonio Diaz, Ismael Reinoso, Simeon Miranda, Renato Tayag, Juan Trivinio, Cesar Virata, Jose Macario Laurel IV at Jose Leido.