Nai-raffle na sa Sandiganbayan ang kasong graft laban kay Senador Lito Lapid dahil sa umano’y kaugnayan nito sa P728-million fertilizer fund scam.
Ang graft case ay napunta kay Associate Justice Efren dela Cruz ng Sandiganbayan First Division.
Bukod kay Lapid, nahaharap din ang 5 pang kapwa nito akusado dahil sa paglabag sa Sections 3-E at 3-G ng Republic Act Number 3019 o mas kilala bilang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.
Sinasabing nagkaroon umano ng sabwatan ang mga akusado noong Mayo 2004 kaugnay ng pagbili ng overpriced na fertilizer noong gobernador pa ng Pampanga si Lapid.
By Meann Tanbio