Ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang kasong grave threats na kinakaharap ng aktres na si Kris Aquino.
Ang kaso ay isinampa ng dating business associate ni Kris na si Nicko Falcis at kapatid nitong si Jesus Nicardo Facis lll.
Sa resolusyong inilabas ni Senior Asst City Prosecutor Rolando Ramirez, wala siyang nakitang probable cause para i akyat sa korte ang kaso.
Ang kaso ay nag ugat sa di umano’y pagtawag ni Kris kay Nicko habang nasa Thailand at pinagbantaang pwede itong mamatay kapag nagbalik pa ng Pilipinas.