Umaasa si Senadora Grace Poe na iaakyat ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong isinampa ng Department of Transportation o DOTr laban sa mga dating opisyal ng Department of Transportation and Communications o DOTC kaugnay ng maanomalyang maintenance contract ng MRT-Line 3.
Ayon kay Poe, malakas at tiyak na makikitaan ng probable cause ang inihaing kaso ng DOTr laban kina dating DOTC Secretary Jun Abaya at iba pang mga dating opisyal ng DOTC.
Giit ni Poe, lumitaw sa isinagawang pagdinig ng kanyang pinamumunuang komite sa Senado na bukod sa maanomalyang kontrata ay kanilang ring nakitang walang kakayanan ang Busan Universal Rail Incorporated o BURI na maayos na i-manteni ang operasyon ng MRT.
Binigyang diin pa ni Poe na ito na aniya ang pagkakataon ng Ombudsman na ipakita ang pagiging independiente at determinasyon nitong labanan ng katiwalian anuman ang partido ng mga akusado.
(Ulat ni Cely Bueno)