Inaabangan na ang paglalabas ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa reklamong iniakyat dito ng Pilipinas.
May kaugnayan ito sa ginagawang pananakop ng China sa mga islang sakop ng Pilipinas sa pinagtatalunang South China o West Philippine Sea.
Ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang pinakamatandang Arbitral Tribunal sa buong mundo.
Taong 2013 nang pormal na ihain ng Pilipinas ang kaso laban sa Beijing matapos ang nangyaring stand off sa Scarborough o Panatag Shoal noong 2012.
Layon ng nasabing reklamo na igiit ng Pilipinas ang soberenya at karapatan nito sa pinagtatalunang teritoryo.
DFA Secretary
Pumalag si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa naglabasang ulat hinggil sa pagpayag umano ng Pilipinas na makipaghatian sa West Philippine Sea.
Ayon kay Yasay, nabigyan ng ibang kahulugan ng media na nag-interview sa noong nakaraang linggo ang kanyang naging pahayag.
Ipinaliwanag ng Kalihim na hindi lumalambot ang Pilipinas sa posisyon nito sa territorial dispute at nilinaw na hihintayin muna ng gobyerno ang pasya ng United Nations bago magbitiw ng salita.
By Jaymark Dagala