Tila pinagtatakpan lamang ng Administrasyong Duterte ang mga isyung ipinupukol niya laban mismo sa punong ehekutibo.
Ito ang reaksyon ni Senador Antonio Trillanes IV sa harap na rin ng patumpatong na kasong isinampa laban sa kaniya sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Ayon kay Trillanes, masyado nang nasasaktan ang kampo ng Pangulo sa mga alegasyong ibinabato niya na anito’y nakabatay sa mga dokumento at matitibay na ebidensya.
Gayunman, nanindigan ang Senador na hindi siya patitinag at tuloy pa rin ang kaniyang krusada na hubaran ng maskara sa publiko ang Pangulo gayundin ang pamilya nito na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian.