Minaliit ni Ambassador Zhao Jianhua ang kasong isinampa ng isang grupo ng mga Pilipino laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court o ICC.
Naniniwala si Zhao na hindi uusad ang kaso laban kay President Xi dahil hindi naman kinikilala ng Tsina ang ICC at wala itong hurisdiksyon sa kanilang bansa.
Isang uri lamang ng pamumulitika ang isinampang kaso nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Kathang isip lang din aniya ang naging batayan ng kaso at nagkaroon ng maling paggamit sa mandato ng ICC.
—-