Ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court Branch 20 sa National Bureau of Investigation o NBI na ilipat na sa Manila City Jail ang sampung miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Sila ang mga sangkot sa pagkamatay ng UST College of Law Freshman na si Horacio Atio Castillo III na biktima ng hazing mula sa naturang grupo.
Ayon sa desisyon ng korte, kailangang mailipat na sa loob ng 48-oras ang sampung akusado mula sa detention facility ng National Bureau of Investigation patungong Manila City Jail.
Partikular na pinalilipat ng korte sa regular na piitan sina Arvin Balag, Axel Munro Hipe, mhin Wei Chan, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Juan Miguel Salamat, Daniel Hans Matthew Rodrigo at Marcelino Bagtag.
Una rito, ipinagpaliban kahapon ang nakatakda sanang pagbasa ng sakdal sa mga akusado kasunod naman ng inihain nilang motion for review sa Department of Justice o DOJ hinggil sa naturang kaso.
—-