Minaliit lang ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kasong isinampa laban sa kaniya ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na may kinalaman sa 6.4 billion Pesos na shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs.
Batay sa inihaing counter affidavit ni Faeldon sa DOJ panel of prosecutors, tinawag nitong sloppy at mere imaginations ang naging paratang sa kaniya.
Kung totoo aniyang nakinabang siya sa naturang shipment, tiyak na mayaman na aniya siya ngayon at hindi niya ipaguutos ang paghahabol sa mga nasa likod ng shabu shipment mula’t mula pa nang mabatid niya ito.
Nahaharap si Faeldon at iba pang personalidad sa mga kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act, graft at obstruction of justice gayundin ang paglabag sa Article 208 ng Revised Penal Code o negligence and tolerance.