Ibinasura ng piskalya ang kasong qualified theft na isinampa ni Kris Aquino laban sa dating business associate nitong si Nicko Falcis.
Magugunitang inakusahan ni Kris si Falcis nang paggamit sa kaniyang credit card para sa personal nitong pangangailangan.
Sinabi ni Kris na ipinagkatiwala niya kay Falcis ang kaniyang credit card para sa mga transaksyong may kinalaman sa kumpanyang KCAP o Kris Cojuangco Aquino Productions.
Ayon sa resolusyon ng Makati City Prosecutor’s Office, ang naturang credit card ay nakapangalan kay Falcis kaya’t maaari nitong gamitin ng card base sa terms and conditions ng bangko.
Binigyang diin pa ng piskalya na walang ebidensyang magpapatunay na ginamit ni Falcis ang card para manloko o mandaya.