Kumpiyansa si PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa na malabong umusad sa ICC o International Criminal Court ang kasong isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa PNP Chief, duda siyang tatanggapin ng ICC ang kasong crimes against humanity laban sa kanila ng kampo ni self confessed Davao Death Squad Hitman Edgar Matobato.
Magmumukhang mang-mang lamang aniya ang ICC kung paniniwalaan nito ang mga salaysay nila Matobato at retired SPO3 Arturo Lascañas na inihain ni Atty. Jude Sabio.
Kahit kasama si Dela Rosa sa mga respondents sa kaso, sinabi ng PNP Chief na hindi maghahanda ang kaniyang legal team para ipagtanggol ang kaniyang sarili.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal