Tinawag na politically motivated ni Senador JV Ejercito ang pagsasampa ng kaso sa kaniya kaugnay sa umanoy pagbili ng baril noong alkalde pa siya ng San Juan noong 2008.
Sinabi ni Ejercito na walang nangyaring technical malversation dahil mismong ang Commission on Audit (COA) ang nag-clear sa kaniya sa mga umano’y disallowance.
Naniniwala si Ejercito na may kinalaman sa pulitika sa San Juan ang pagsusulong ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan subalit pinag-aaralan na ng kanyang mga abogado ang susunod na hakbang hinggil dito.
By Judith Larino