Ipinagkibit-balikat ni University of Santo Tomas (UST) Faculty of Civil Law Dean Atty. Nilo Divina ang pagkakasama niya sa mga sinampahan ng kaso kaugnay ng pagkamatay ni hazing victim Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Ayon kay Divina, walang basehan ang isinampang kaso laban sa kanya dahil wala siyang nilalabag na anumang batas at masigasig sa paggampan sa kanyang tungkulin bilang dean ng UST Faculty of Civil Law.
Dagdag ni Divina, kanya na din munang babasahin ang isinumiteng supplemental complaint ng mga magulang ni Castillo bago makapagbibigay ng buong komento.
Si Divina ay sinampahan ng kasong Murder, Perjury, Obstruction of Justice at paglabag sa RA 8049 o Anti-Hazing Law ng pamilya Castillo dahil sa pagkakaroon umano nito ng basbas sa ang initiation rites sa Aegis Juris library bilang senior member.