Madadagdagan pa ang kasong kinakaharap nang inarestong NDF Consultant na si Rafael Baylosis.
Kasunod ito nang pagtanggi ni Baylosis na sumailalim sa medical examination at booking procedure o pagkuha ng mug shot at fingerprint na regular na proseso ng CIDG sa mga naaaresto.
Dahil dito sinabi ni CIDG NCR Chief Senior Supt Wilson Asueta na kakasuhan nila ng disobedience to lawful order si Baylosis bukod pa sa mga naunang illegal possession of firearms and explosives.
Samantala walang inirekomendang piyansa si Inquest Prosecutor Nilo Peniaflor kay Baylosis at kasama nitong naaresto na si Roque Guillermo sa kasong illegal possession of explosives bagamat 120 thousand Pesos ang piyansa para sa kasong illegal possession of firearms.