Tinawag na harassment ni dating Health Secretary Paulyn Ubial ang kasong libelo na isinampa ng mag-asawang Congressman Oscar at dating Sec. Janette Garin laban sa kanya.
Ayon kay Ubial, layun ng nasabing kaso ang pigilin siya sa pagtestigo kaugnay sa kontrobersiya sa Dengvaxia dengue vaccine.
Iginiit pa ni Ubial na wala siyang motibong sirain ang reputasyon ng mag-asawang garin lalu’t aniya wala na siyang trabaho at posisyon sa gobyerno.
Batay sa kanyang ihaing kasong libelo, sinabi ni dating Secretary Garin na ipinahiya at siniraan siya ni Ubial sa pagharap nito sa pagdinig ng Senado.
Sinabi naman ni Congressman Oscar Garin na ipinalalabas umano ni Ubial na kanyang hinaharass at ginigipit ito para bumili ang Department of Health ng mga karagdagang Dengue vaccines.
Magugunitang sa pagharap ni Ubial sa pagdinig ng Senado kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia, idiniin nito si Sec. Garin na nagpasimula at nagpatupad ng Dengue vaccination program ng pamahalaan.
Posted by: Robert Eugenio