Naihain na sa korte ang kasong murder laban sa dalawang police – Caloocan na sangkot umano sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo alyas “Kulot” de Guzman.
Ang mga pulis na sina Police Officer 1 Jeffrey Perez and Police Officer 1 Ricky Arquilita ay sinampahan ng patung patong na kaso sa Caloocan City Regional Trial Court
Kabilang din sa mga kasong isinampa laban sa dalawang pulis ay tig 1 – count ng kasong ‘planting of evidence’ sa ilalim ng paglabag sa “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act’ at ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’.
Isinampa rin laban sa dalawang pulis ang tig isang count ng kasong torture sa ilalim ng section 4 and 14 ng RA 9745.
Samantala , sinabi ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan na walang nakitang probable cause ang panel of prosecutors laban sa taxi driver na si Tomas Bagcal.
Dahil dito , hindi aniya maaring kasuhan ng murder ang nasabing taxi driver