Tiniyak ng Philippine National Police – Internal Affairs Service o PNP IAS na 20 lamang ang aabutin ng ginagawang dismissal proceedings laban kay P/MSgt. Hensie Zimpanan.
Si Zimpanan ang Pulis na nagviral ang video sa Social Media dahil sa pamamaril nito sa isang 52 anyos na ginang sa Fairview, Quezon City nuong Lunes.
Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, gumugulong na ang pre-charge investigation laban kay Zimpanan dahil tumanggi na siyang maghain ng kontra salaysay.
Kasabay nito, pormal na ring naisampa ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District o QCPD sa Prosecuto’s OFfice ng Lungsod Quezon ang reklamong murder laban kay Zimpanan.
Una nang ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mabilisang pagsibak sa serbisyo at pagpapanagot sa batas kay Zimpanan dahil sa kasuklam-suklam na ginawa nitong krimen na isang malinaw na pagyurak sa pangalan at imahe ng Pambansang Pulisya.