Siniguro ng Commission on Elections na kanilang mareresolba ang lahat ng nakabinbin pang kaso laban sa mga kandidato bago magsimula ang botohan sa Mayo a-dose.
Ito ay kasunod ng mga show cause orders na inalatag ng kagawaran sa mga kandidatong sangkot sa mga pambabastos at bullying sa kasagsagan ng kampanya.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa ngayon ay nasa 84% na ang kabuuang disposal rate ng Comelec o ang mga kasong hawak ng kagawaran na nahatulan na ng desisyon.
Aniya, doble kayod na ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matapos ang lahat ng kaso sa tamang oras.
Patuloy naman ang panawagan ng Comelec sa mga kandidato na umiwas sa paglalabas ng mga pahayag na malalaswa, bastos o mapanira sa kani-kanilang mga campaign rallies. - sa panulat ni Jasper Barleta