Ibinasura ng Korte ang isinampang kasong paglabag sa pagbebenta ng iligal na droga laban kay Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III.
Ayon sa piskal na may hawak ng kaso, ito ay dahil walang nakitang sapat na ebidensya tulad ng buy bust money at walang naganap na bentahan ng iligal na droga dahil sa bisa lamang ng search warrant ang isinagawang operasyon sa bahay ni Marcaida.
Gayunman, nahaharap pa rin sa kasong Possession of Illegal Drugs, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Illegal Possession of an Explosive Device ang bise alkalde.
Samantala, nananatili parin sa kustodiya ng Puerto Princesa City jail si Marcaida.