Nagbigay na ng go signal ang Sandiganbayan 2nd division para ituloy ang trial sa kinakaharap na kasong plunder ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “joc-joc” Bolante.
Ito ay may kaugnayan sa Pp728-million fertilizer fund scam.
Sa 9 na pahinang resolusyon, pinagbigyan ng 2nd division ng anti-graft court ang mosyon ng Ombudsman na tanggalin bilang akusado si Jose Barredo Jr. At gawin itong testigo laban sa 2 cabinet official ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Una nang sinabi ni Barredo na mayroon siyang personal knowledge sa ginawang pag-apruba sa isang department memorandum para mapabilis ang implementasyon ng farm inputs and farm implement program (FIFIP) ng Department of Agriculture.
Sina Bolante at dating agriculture Secretary Luis Ramon “chito” Lorenzo ay inakusahang nakakubra diumano ng P265.6 million kickback mula sa fertilizer funds sa ilalim ng FIFIP ng D.A.
By: Meann Tanbio