Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kasong plunder na isinampa laban kay dating senador Jinggoy Estrada.
Ito’y makaraang maghain ng apela sa anti-graft court ang kampo ni Estrada makaraang ibasura nito ang nauna nilang hirit na pagpapawalang bisa sa kaso dahil sa mahinang ebidensya.
Ngayong araw sana ang unang araw ng kampo ng depensa na maiprisinta ang kanilang mga ebidensya laban kay Estrada kung hindi lamang naghain ng motion to file demurrer to evidence.
Nag-ugat ang nasabing kaso sa 183 milyong pisong kickback umano ni Estrada mula sa multi-bilyon pisong pork barrel fund scam ni Janet Lim Napoles.