Uubra pang mapasama sa papatawan ng parusang kamatayan ang mga kasong plunder, rape, treason at iba pang karumal dumal na krimen.
Ipinabatid ito ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali matapos aprubahan ng kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang death penalty na limitado lamang ipataw sa drug related cases.
Ayon kay Umali, posibleng maisama ang mga nasabing krimen sa ilalim ng naturang panukala kapag isinalang na sa bicameral conference ang aniya’y kontrobersyal na panukala.
Bukod dito sinabi ni Umali na malaki ang posibilidad na masama ang iba pang heinous crimes kung ipipilit ito mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By Judith Larino