Ibinasura ng tanggapan ng Ombudsman ang sinasabing pahabol na kasong plunder na isinampa laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ito’y may kaugnayan pa rin sa maanomalya umanong paglustay ng nuo’y administrasyong Arroyo sa Intellegence Fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagkakahalaga ng mahigit P70-milyon.
Batay sa sampung pahinang resolusyon na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, wala na umanong bisa ang nasabing kaso dahil inihain ito sa mismong araw na ibinasura rin ang naunang plunder case na inihain laban kay ginang Arroyo.
Maliban pa aniya sa kakulangan ng sapat na ebidensya na magdiriin sa dating pangulo gayundin sa mga dati nitong tauhan sa nasabing anomalya.
Maliban kay ginang Arroyo, dawit din sa kaso ang mga dating opisyal ng PCSO sa pangunguna ni dating PCSO General Manager Rosario Uriarte at iba pa.