Sisimulan na ng Department of Justice o DOJ ang preliminary investigation sa kasong rebelyon laban sa 59 na hininihalang miyembro ng Maute terror group na naaresto sa Zamboanga noong Hulyo 25.
Ayon sa DOJ panel, nakatakdang magsumite ng kontra-salaysay ang mga respondents mamayang hapon.
Sa isinagawang proceedings noong Hulyo 28, iprinisinta ang mga nabanggit kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong.
Ang mga respondent ay pumirma ng waiver of detention saka nagpasya ang panel of prosecutors na ituloy ang preliminary investigation.
By Meann Tanbio