Ibinasura ng korte sa Olongapo City ang kasong terorismo laban sa dalawang aeta na unang kinasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law.
Batay sa desisyon ni Presiding Judge Mealni Fay Tadili ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 97, ibinasura ang mga kaso laban kay Japer Gurung Alyas ka Jepoy at Junior Ramos Alyas ka Jaypee.
Bigo umano ang prosekusyon na patunayan na ang mga akusado ang nasa likod ng pagkamatay ng isang sundalo.
Inakusahan ang dalawa na miyembro ng New People’s Army at kinasuhan dahil sa pagkamatay ng isang sundalo sa engkwentro nuong 2020.