Premature ang pagsasampa ng kasong treason, laban sa peace panel ng pamahalaan sa negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), at kay Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Ging Deles.
Ayon kay Akbayan Rep. Barry Gutierrez, ito ay dahil draft pa lang naman ang Bangsamoro Basic Law, at mayroon pang pagkakataon ang mga mambabatas na busisiin ito, pagdating sa plenaryo.
“Premature po itong ginawang ito, hindi ko po maintindihan pano magiging batayan ang isang draft para sa isang kaso, pangalawa, malinaw po na kapag treason ang pinag-uusapan, hindi po maaaring isampa ito kung walang pag-aakma para i-overthrow ang ating gobyerno.” Ani Gutierrez.
Binigyang diin din ni Gutierrez na sa halip na tutukan ang pagsasampa ng mga kaso, mas makakabuti na paghandaan nalang ang debate na gagawin sa plenaryo, hinggil sa Bangsamoro Basic Law.
“Ito pong fi-nile na kaso na wala namang batayan, madi-dimiss din po yan ng Manila Prosecutor’s Office, therefore yung aming effort gusto naming i-focus doon sa debate sa plenaryo, magsisimula na nga po ito sa Lunes.” Paliwanag ni Gutierrez.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit