Naniniwala si Senador Joel Villanueva na “legally inappropriate” ang kasong usurpation of authority na iniharap laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa naging papel nito sa Mamasapano incident.
Ayon kay Villanueva, ang usurpation of authority ay kaso para sa isang taong alam niyang mali ang kinatawan niya bilang government official kung wala naman siyang posisyon para gawin ang isang hakbang.
Sa kaso ni dating Pangulong Aquino bilang commander-in-chief ng militar at pulisya, mayroon itong kapangyarihan at otoridad na magpatawag ng operasyon kahit hindi maganda ang kahantungan nito.
Ginawa lamang anya ng dating Pangulo kung ano ang inaasahan sa kanya bilang leader ng bansa para sa interes at kapakanan ng taumbayan.
Kumpiyansa naman si Villanueva na maidedepensa ni Aquino ang pangalan at karangalan nito sa isinampang kaso sa Sandiganbayan ng Ombudsman laban sa kanya.