Sinelyuhan na ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Junior ang Memorandum of Agreement (MOA) na magpapalakas sa kampanya ng bansa laban sa iligal na droga.
Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan, ang Non-Government Organization (NGO) na Battle Against Drugs (BAD) sa pangunguna ng Founder at President nitong si Dr. Danilo Bornales.
Ayon kay Azurin, ang kasunduan ay patunay ng determinasyon ng pulisya na labanan ang iligal na droga na sumisira ng magandang kinabukasan ng kabataan.
Samantala, nagsagawa ang BAD ng mga training, symposium at seminar sa mga paaralan at komunidad sa bansa hinggil sa masamang epekto ng illegal drugs.
Katuwang nito ang mga stakeholders at ibang ahensya ng gobyerno. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Jenn Patrolla