Nakabuo na ng kasunduan ang Estados Unidos at Russia hinggil sa nakatakdang pagpupulong sa pagitan nina Russian President Vladimir Putin at US President Donald Trump.
Ayon kay Kremlin Moscow Foreign Policy Aide Yuri Ushakov, nagkasundo ang dalawang bansa na isagawa ang summit sa isang neutral country matapos naman ang pakikipag-usap ni US National Security Adviser John Bolton kay Putin.
Dagdag ni Ushakov, maituturing na isang pinakamahalang kaganapan sa buong international community ang nakatakdang pag-uusap nina Trump at Putin.
Samantala, inanunsyo naman ni Trump na posibleng gawin sa Helsinki Finland ang pulong nila ni Putin matapos ng kanyang pagdalo sa NATO Summit sa Brussels mula July 11 hanggang 12.
Inaasahang matatalakay ng dalawang lider ang nangyayaring giyera sa Syria at sitwasyon sa Ukraine.
—-