Maaari pang i-withdraw o bawiin ng Armed Forces of the Philippines ang pinasok na kasunduan sa third telco na Dito Telecommunity Corporation kaugnay ng pagtatayo ng mga towers sa mga kampo militar.
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Colonel Noel Detoyato, nararapat lamang aksyunan ang ano mang kasunduan na maaaring maglagay sa kompromiso sa pambansang seguridad.
Bukas din aniya ang AFP na sumailalim sa imbestigasyon hinggil sa nabanggit na kasunduan.
Gayunman, iginiit ni Detoyato na sa ngayon ay walang nakikita ang militar na mali o magiging banta sa national security kung maglalagay ng mga telecommunications facilities sa loob ng mga kampo.
Paliwang ni Detoyato, magsisilbi lamang ang mga itatayong tower bilang relay station at reflector ng third telco.