Binigyang diin ng Department of Justice ang kahalagahan ng kasunduan ng Pilipinas sa Indonesia matapos palayain si Mary Jane Veloso na nakulong ng halos 15 taon.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Justice Usec. Raul Vasquez, na hindi dapat maabuso ng bansa ang pagbibigay ng clemency sa mga Oversease Filipino Workers na una nang ipinanawagan ni Veloso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, maraming nakatutok sa isyu ni Veloso at posibleng maabuso ng mga kababayan nating Pilipino ang pagbibigay ng clemency na dapat ay masusing pag-aralan.
Sinabi ng opisyal na naging simple lang ang kasunduan ng Pilipinas sa Indonesia kung saan, kanilang ibinigay ang kustodiya ni Veloso kapalit ng pagsunod sa mga regulasyon at proseso ng bansa.
Nababahala ang DOJ Official sa posibilidad na mayroong security threat kay Veloso dahil malaking halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sakaniya na posibleng kagagawan ng mga sindikato.
Aniya, marami tayong mga kababayan na nakapiit din sa bilangguan kaya dapat na masusing pag-aralan ang pagbibigay ng clemency.