Lumagda na ang Pilipinas ng isang Confidential Declaration Agreement (CDA) sa US Pharmaceutical Company na Pfizer para sa procurement ng COVID-19 antiviral drug na Paxlovid.
Ayon kay Food and Drug Administration Officer-in-Charge, Dr. Oscar Gutierrez, nilagdaan nina Health Secretary Francisco Duque III at Pfizer ang CDA noong Martes.
Bukas naman nakatakda ang virtual meeting ni Gutierrez at nabanggit na pharmaceutical company upang talakayin ang planong Emergency Use Authorization Application.
Kabilang din anya sa pag-uusapan kung kailan darating ang mga nasabing gamot at requirements ng FDA.
Sa datos mula sa Pfizer clinical trial, lumabas na ang two-drug antiviral regimen ay 90% mabisa laban sa pagkaka-ospital at pagkamatay ng mga pasyenteng may severe COVID-19.