Inaasahang maseselyuhan na ang kasunduan ng PLDT, Globe Telecom at San Miguel Corporation.
Kaugnay ito sa pagbili ng PLDT at Globe sa telecommunication assets ng San Miguel Corporation.
Ang nasabing deal na umano’y nagkakahalaga ng mahigit 1 bilyong dolyar ay inaasahang magpapatatag pa sa estado ng dalawang kumpanya bilang industry giants para sa mas magandang internet service.
Kasunod na rin ito nang kabiguan ng SMC na malampasan ang mga problemang kinaharap sa pagtatangkang isulong ang mobile high speed internet.
Ang naturang kasunduan ay itinuturing na pinakamalaking deal simula nang buhayin ng PLDT ang telco duopoly noong 2011 matapos kunin ang digitel na siyang nag-ooperate ng Sun Cellular.
By Judith Larino