Iginiit ng Malakanyang na hindi lihim ang naging kasunduan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Tinukoy ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang kasunduan na pwedeng mangisda sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang mga Chinese.
Ayon kay Panelo, mayroong record ng berbal na kasunduan ng dalawang pangulo ang China.
Mismong ang China rin anya at ang Pilipinas ang nagsapubliko ng kasunduan at hindi ang mga kritiko ng pangulo tulad nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Binigyang diin ni Panelo na kinailangan ng berbal na kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea habang isinasagawa pa ang negosasyon.