Pina-iimbestigahan na ni Senador Antonio Trillanes sa Senate Committee on National Defense and Security at iba pang kumite sa kasunduan umano sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng China na nagpahintulot sa mga Chinese ship na magsagawa ng surveillance sa Benham Rise.
Ayon kay Trillanes, nakababahala ang naturang kasunduan sakaling totoo ito dahil bahagi ng Exclusive Economic Zone ng pilipinas ang Benham na malayo naman sa West Philippine Sea.
Mahalaga anyang magsulong ng batas upang maitaguyod ang territorial integrity ng Pilipinas at ipaglaban ang soberanya ng bansa sa nasabing karagatan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Antonio Trillanes
By: Drew Nacino / Cely Bueno