Nakiisa ang Malacañang sa pagbubunyi matapos pagtibayin ng halos 200 bansa ang kasunduan para sugpuin ang global warming.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., makasaysayan ang nasabing kasunduan dahil ilang dekada nang hindi magkasundo ang mga bansa para labanan ang climate change.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, pananatilihin ang temperatura ng mundo ng hindi bababa sa 2 degrees celcius o mas mababa pa hanggang 1.5 degrees.
Obligado rin ang lahat ng bansa, mayaman o mahirap na magtakda ng limitasyon sa kanilang greenhouse gas emission.
Kailangan ding marepaso ang progreso ng bawat bansa tuwing limang taon upang matukoy kung sumusunod ba ang mga ito sa nasabing kasunduan.
By Jaymark Dagala