Pirmado na ang supply agreement para sa 30 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 mula sa kumpanyang Novavax.
Ito’y matapos kumpirmahin ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na posibleng dumating ang mga bakuna sa bansa sa ikatlo o huling quarter ng taon.
Ipinabatid naman ng Department Of Health (DOH) na nakareserba na ang suplay ng bakunang mula sa Sinovac para sa ikalawang dose na ituturok sa mga nauna nang nabakunahan.
Dagdag ng DOH, alinsunod ito sa inaprubahan na EUA ng Sinovac na kailangan mayroong 28 araw na pagitan bago ibigay ang ikalawang dose ng bakuna.
Samantala, hinihintay na lamang ng pamahlaan na maaprubahan ng Food and Drug Administration o FDA ang Emergency Authorization Use (EUA) ng bakuna ng Novavax.— sa panulat ni Rashid Locsin