Lalagdaan na ng pamahalaan bukas, ika-10 ng Marso, ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines supply agreement nito para sa US-based pharmaceutical company na Novavax.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, ang naturang supply agreement deal ay maglalaman ng 30-milyong doses ng Novovax COVID-19 vaccines para sa bansa.
Pero, ani Roque, sa ngayon ay hindi na muna niya ihahayag kung magkano ang halaga ng gagastusin ng pamahalaan sa pagbili ng naturang bakuna.