Umatras ang kumpanyang sangkot sa kontrobersyal na paghuhukay sa New Bilibid Prison sa kanilang kasunduan ng sinuspindeng BuCor chief na si Gerald Bantag.
Kinumpirma ito ni Virgilio Bote, Presidente ng Agua Tierra Oro Mina Development Corporation (ATOM) dahil naguguluhan na ito sa kanilang napagkasunduan.
Ayon kay Bote, humingi naman aniya ng tulong si Bantag sa kanila sa pagbuo ng “deep sea diving pool” dahil kilala ang kanilang kumpanya sa paggawa ng mga proyektong may kinalaman sa paghuhukay at konstruksyon.
Sinabi rin ni Bote na mayroon nang malaking butas sa lugar bago pa man nito tanggapin ang kahilingan ni Bantag ngunit nilinaw nito na hindi parte ng kanilang kasunduan ang Excavation Project.
Dinipensahan naman ni Bantag ang proyektong diving pool na para aniya sa pagsasanay ng kanilang tauhan para sa kalamidad. —sa panulat ni Hannah Oledan