Lumagda na sa isang kasunduan ang Philippine National Railways o PNR kaugnay sa pagbili ng mga tren sa Indonesia.
Pinangunahan ito ni PNR General Manager Jun Magno at Industri Kereta Api (PT INKA) President and Director Budi Noviantro.
Batay sa ulat nagkakahalaga ng 485.3 milyong piso ang halaga ng tren na bibilhin ng Department of Transportation (DOTr) mula sa nasabing kampanya sa Indonesia.
Inaasahang darating ang mga bagong tren sa Pilipinas sa ikatlong bahagi ng taon at dadaan sa mga pagsusuri bago ito gamitin ng PNR.
Matatandaang noong nakaraang taon ay inaprubahan ng National Economic and Development Authority o NEDA ang proyekto para sa pag-upgrade sa Philippine National Railways o PNR.
Naglaan ng unang 10.2 bilyong piso na pondo para sa naturang proyekto na magpapasiglang muli sa Bicol Express.