Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang committment na ipagtatanggol at isusulong ang karapatang pantao.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino matapos selyuhan nito ang kasunduan sa pagitan nila at ng grupong Sulong Peace Incorporated na isang Human Rights advocates.
Sinaksihan ng iba’t ibang stakeholders ang paglalagda ng kasunduan sa Camp Aguinaldo tulad ng AFP Center for Law of Armed Conflict, Royal Norwegian Embassy, Spanish Embassy, Commission on Human Rights o CHR at ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, magtutulungan ang AFP at SPI sa pagpapalawak ng mga kaalaman partikular na sa usapin ng karapatang pantao at mga itinatadhana naman ng International Humanitarian Law.